living by the day... |
I don't own emotion -- I RENT... |
Nasanay na ang puso kong kapiling ka
Nasanay na sa pangako ng iyong pagsinta
AT KAHIT PA SABI NILA’Y DAPAT LIMUTIN
AKO PA RI’Y NAGHIHINTAY
Nasanay na ang puso ko’y maging bulag kapag umibig
Nasanay na ang isipa’y pagharian ng puso
At kung kailan
At kung saan-saan
BAKIT BA NAGHIHINTAY?
At nasan na ang pagmamahal na pinakita mo?
At nasan na ang pagsintang nadama natin?
At kung kailan
At kung saan-saan
ITO PA’Y HINIHINTAY
SUMISIGAW ANG AKING PUSO, HANDA NANG LIMUTIN KA
NGUNIT PUSO’Y NAGPAPANGGAP, NANINIWALA PA RIN
Dahil ba minsa’y tunay mo akong minahal?
At nangakong ako lamang, magpakailanman
At sa pangako, ako’y naghihintay
Muli ako’y nasaktan
At ayaw na, ayaw ng masaktan
BAKIT BA NARIRIRTO PA RIN AKO?
UMIIBIG AT NAGMAMAHAL,
BAKIT BA ANG PUSO KO’Y UMAASA KAHIT MASAKTAN?
WALANG SAWANG SINUSUBUKANG,
MAHALIN KA NANG LUBUSAN,
HINTAYIN KA’T KALIMUTAN…
NA IBA PALA ANG SIYANG IYONG MAHAL